Hello Tita AL! kamusta ka na. ^_^
Pwede mahiram ang oras mo kahit sandali lang?
Kung binabasa mo parin ito ang sagot mo ay Oo. Yehey!
First of all ito ay isang munting Pasasalamat mula sakin ang pamangkin mong si Jason.
My ikekewento ako
Meron akong Tita sya ang nagpaaral sakin dahil wala na akong tatay at ang nanay ko ay hindi
kami kayang buhayin. Nasa amerika sya nurse ang trabaho nya doon mahirap at nakakapagod ang maging isang nurse. Mag isa lang
sya doon kc nandito sa Pilipinas ang Family nya. Nagtratrabaho sya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang
Pamilya. Palagi sya nagpapadala ng pera para may pagkain at mabuhay nang masagana ang kanyang inay, mga kapatid at mga pamangkin
* Dami nun ilan ba? Teka…si lola, si topeng, si mama, si tita babes, si angie., si kuya nicky, si teng at syempre ako…wow
walo* at wala syang hinihinging kapalit kundi gusto nya lamang makatulong ( sa paggraduate ko PROMISE ko na tutulungan ko
sya hanggang sa pagtanda nya ). Kung idedescribe ko ang Tita ko Mabait, Matulungin, Masipag, Maunawain, Mapagmahal, Matiisin,
Matalino, Makadiyos, Masinop *kuripot daw ^_^* at para sa akin isa syang Santa *Saint.Exaltacion of Amerika*???.
Hindi mapapantayan ang mga nagawa niyang tulong sa akin. Mahiyain ako di man lang ako nakapagpasalamat
ng tama para sa mga bagay na nabigay niya sa akin. * Tita AL buhay pa ung Xbox ^_^*. Hindi lang ako ang pinagaaral ng tita
ko pati ang ate ko sya rin ang sumasagot ng mga expenses at napagtapos niya ang dalawa naming pinsan at ngayon ay may trabaho
na. Pagpwede ay umuuwi siya dito sa pilipinas para makapagbakasyon at makasama kami. Minsan ko lang makausap ang Tita AL ko
pagnaguusap kami ay nagkwekwento siya tungkol sa mga pasyente na inaalagaan niya, iba’t ibang mga pasyente na ang naalagaan
niya meron daw na parang puno ang balat, may aids, mga matatanda na nagdudumi sa kanilang hinihigaan * parang meron dito sa
bahay nun ah o_O?* kung ang mga ibang nurse jan ay mandidiri at hindi na aalagaan sila iba ang Tita AL ko katulad ng isang
kwento ng Tita ko sakin merong isang matandang pasyente na dumumi sa hinihigaan niya imbes na linisin ay pinagagalitan ung
matanda ng isang nurse kawawa daw ung matanda hindi alam kung ano ang gagawin yung Tita ko nakita niya ung nangyari at siya
ang naglinis ng dumi ng matandang pasyente at sinabihan ung nurse na hindi dapat ginaganun ang mga pasyente. Radiologic Technologist
ang kurso ko mag third year na ako sa pasukan, at pangarap ko din ang magtrabaho sa ibang bansa * mababa talaga kita dito
eh* para makatulong sa aking Tita. Inaamin ko dati ay paEasy-easy lang ako sa buhay at pagaaral ko, iyon ay pagkawalang hiya
at pagiging iresponsableng tao. Napagicipicip ko na para sa akin rin naman ang lahat na gingawa ko, kaninong buhay din ba
ang uunlad? Huminhingi ako ng tawad sa Tita ko para sa mga pagsayang ng pera na pinaghirapan niya hindi biro ang pagtratrabaho,
nanakit na ang katawan niya sa sobrang lamig doon at minsan ay hindi siya nakakapasok dahil nagkakasakit siya kakaovertime.
Tita Alta I’m very sorry ha ipinapangako na maipagmamalaki mo ako at hindi masasayang
ang mga pinaghihirapan mo.
Sa ngayon ay nagleave muna siya sa trabaho at nagaaral para makakuha ng isang degree, at sa
sabado na ang exam niya. Tita AL ipagdadasal kita at karapatdapat kang pumasa GOOD LUCK!!! KAYANG-KAYA MO YAN!!! * (kanta)
Pinoy ako, pinoy tayo ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo iba’t iba ang pinoy wag kang matatakot*^_^
Swerte ako at may Tita akong katulad mo * di lang ako kundi ang buong pamilya mo*
Buong puso ako nagPAPASALAMAT sayo kung wala ka di ko alam kung ano na nangyari sakin ngayon.
Napakaespesyal ang Tita ko sa akin Mahal na mahal ko ang Tita AL ko at MaIPAGMAMALAKI ko kahit kanino.
A Tribute to my Tita AL.
.